TAKOT pala si Yeng Constantino kay Piolo Pascual. Sa kuwentuhan kasi namin ni Yeng, inamin niya na sina Piolo at Sam Milby, na mga kasamahan niya sa ASAP ang crush na crush niya.
Pero, sa dalawa, si Sam lang daw ang nagagawa niyang kausapin. Pagdating daw kay Piolo, parang nakakaramdam siya ng takot.
"Parang hindi ko kayang kausapin si Piolo. Parang ang laki-laki niyang tao, na sikat na sikat. Si Sam kasi, mahilig ding mag-gitara, kaya nakakausap ko.
"Pero si Piolo, parang hindi ko alam kung paano kakausapin. At saka, palagi kasing serious si Piolo, dahil lagi siyang naka-focus sa mga kakantahin niya sa ASAP.
"Pero, kapag may chance naman, kinakausap din niya ako. Binabati niya ako. Pero, hindi talaga ako makapagsalita kapag kaharap ko na siya," kuwento ni Yeng.
Ano naman ang madalas nilang pinag-uusapan ni Sam?
"‘Yung bigote niya. Kasi dati, may bigote siya dahil sa teleserye nila. Sabi ko, parang ang pangit kapag may bigote siya. Pero ngayon, wala na `yung bigote na `yon, kaya guwapung-guwapo na ulit ako sa kanya," patuloy na kuwento pa rin ni Yeng.
Siyanga pala, magiging memorable kay Yeng ang June 23, dahil `yon ang araw ng kauna-unahang solo concert niya. Bidang-bida nga si Yeng sa Rock Enroll concert, na gaganapin sa Aliw Theatre.
Iba’t ibang banda raw ang magiging guest niya. At kung si Yeng ang masusunod, sana ay makasama raw sa concert niyang `yon sina Bamboo, Sugar Free, Itchyworms, Rivermaya at Parokya ni Edgar.
Makakasama nga pala ni Yeng ang paborito niyang gitara, na pinangalanan niyang Recca. Apat na taon na raw niyang gamit-gamit si Recca, at masuwerte raw ito sa kanya.
Sa buong buhay ni Yeng, tatlong gitara na ang nagdaan sa kanya. Una raw ay ang gitara na isinanla lang sa kanya, at ang pangalawa ay ang binili ng tatay niya, na pinangalanan niyang Melody.
Anyway, bagamat 18-years old na si Yeng, hindi pa rin siya nakakaranas na magka-boyfriend. Wala raw nanliligaw sa kanya ngayon, at kahit si JayR Siaboc na natsitsismis sa kanya ay hindi naman daw totoong nanliligaw.
"Nagbigay lang siya ng flowers, pero nagpasalamat lang sa akin dahil nag-guest ako sa album niya. Pero, wala naman siyang sinabi na mahal na mahal niya ako.
Aminado si Yeng Constantino na nagkaroon ng ilangan factor sa pagitan nila ng apat na Pinoy Dream Academy scholars na nabigyan ng sanction ng Big Dream Productions management.
“Siyempre, nu’ng una, parang nagkailangan talaga kami. Siyempre sila, wala na sa ASAP, tapos kami ni Ronnie (Liang), nandu’n pa, so hindi naman maiiwasan siguro ’yung feeling nila na ‘bakit ganu’n?’
“Pero matatalino naman ang mga kasama ko at hindi naman sila ganu’n kababaw kaya naintindihan din nila.
“Alam ko namang masaya rin sila siyempre para sa amin ni Ronnie,” sabi ni Yeng nang makausap namin sa presscon ng kanyang first solo concert na Rock Enroll: Yeng’s Rock to School Concert, na gaganapin sa June 23 sa Aliw Theater.
Hanggang ngayon, ikinalulungkot pa rin daw niya na hindi na niya kasama sa ASAP sina Irish Fullerton, Panky Trinidad at Chad Peralta. Aniya, mas masaya sana siya kung magkakasama pa rin silang tulad ng dati.
“Sobrang lungkot po talaga na hindi ko na sila kasama. Malaking factor talaga sa akin ’yon.
“Kaya nga po ang saya-saya ko nang magkasama-sama kaming Top 6 sa concert ulit recently.
“Nagkaroon kami ng time na magkausap-usap at okay na po ulit kami ngayon,” kuwento pa ni Yeng.
Sa nasabing presscon ay nilinaw nga pala ng PDA Grand Star Dreamer na hindi totoong may anak na siya.
“Virgin pa po ako,” ang say niya, na ikinatawa ng lahat at first, pero sa bandang huli ay nagkomento ang ilang kasamahan na hinahangaan nila ang singer dahil hindi ito tulad ng ibang kabataan na hindi napapangalagaan ang virginity.
Si Yeng naman, tila nabigla rin sa sinabi at say niya, hindi nga niya alam kung bakit bigla niyang nasabi ’yon.
Anyway, sa Rock Enroll, may 19 production numbers si Yeng at aawitin niya ang lahat ng kantang pinasikat sa loob ng Academy, pati na ang hits sa solo album niyang Salamat.
Makakasama niya sa naturang concert sina Cris Cayzer, Ronnie Liang, Jay-R Siaboc, Ruben Caballero and Jay Justiniani of Cueshe at si Mark Tupaz ng Shamrock.
Mula sa Dream Big Productions and ASAP Live, Rock Enroll will be directed by Johnny Manahan. Show starts at 8 p.m. Tickets are available at Ticketworld outlets for P800, P500 and P300.
Yeng Constantino is on an unforgettable ride since she won in "Pinoy Dream Academy." She has performed overseas in Japan and the US. Her song, "Hawak Kamay," a big hit, won for her the Metro Manila Film Festival best theme song award after it was used in "Kasal, Kasali, Kasalo." Her first solo album, "Salamat," hit triple platinum. All this at 18, and there are more worlds waiting for her to conquer. But with success comes intrigues like she’s become a swellhead who is maldita and suplada to her fans. Worse, she’s said to be an unwed mother. She wants to just ignore the intrigues but we tell her she has to answer them because keeping silent means they’re true.
"I really can’t remember any incident na naring rude ako to people," she says. "Kung minsan nga, kahit kumakain ako, when they stop para magpa-picture, pumapayag agad ako. About being an unwed mother, all I can say is that virgin pa po ako. I’ve never had a boyfriend. Nakakatawa nga dahil may tsismis din na tomboy raw ako, e di naman totoo."
She remains her true self even when she performs. "Nasanay akong naka-rubber shoes and when they asked me to wear heels sa ‘ASAP,’ sablay talaga as I can’t walk, tapos natanggal pa ang takong noong isang sapatos ko kaya na-trauma tuloy akong mag-heels. But in my concert at Aliw Theater, dapat daw mag-heels ako in my number with the male champions (Jed Madela, Christian Bautista, and Erik Santos)."
Her show will be a one-of-a-kind rock concert, "Rock Enroll: Yeng’s Rock to School (Back to School) Concert," to be staged at Aliw in the CCP Complex on June 23, Saturday night. Her special guests are Jay of Cueshe, Mark of Shamrock, Michael Angelo, Chris Cayzer, and her own band, Morning Glory. She’ll be singing her hits plus songs of Alanis Morisette, Avril Lavigne, Gwen Stefan and other singers. Tickets are reasonably priced from P300 to P800 only and students can get special discounts. You get four tickets and the fifth one is free.
Tuwang-tuwa naman si Yeng Constantino na sa wakas, sa Sharon last Sunday, nakanta na rin niya sa harap ng iniidolong si Sharon Cuneta, ang sariling composition niya para sa Megastar, ang “Tao Lang Ako”. Isa kasi si Yeng sa guests sa show at humingi siya ng permission kay Sharon na makanta niya ang awiting iyon na mataman namang pinakinggan ng Megastar.
Excited na rin si Yeng sa paghahanda sa nalalapit niyang first major concert sa Aliw Theater sa Saturday, June 23, ang Rock Enroll: Yeng’s Rock To School. May 19 production numbers daw kasi ang gagawin niya, kasama na rito ang pag-awit niya kasama ang mga guests na sina Jay at Robin ng Cueshe, Marc Tupaz ng Shamrock, Michaelangelo, dating member ng MYMP, at co-PDA scholars, JayR Siaboc and Ronnie Liang.
Ang concert ay ididirek ni Mr. Johnny Manahan. Susunod na rito ang pag-alis ni Yeng para sa US concert tour nila nina JayR, Ronnie at RJ Jimenez with Luis Manzano, Anne Curtis, Angelica Panganiban at Carlo Aquino.
WHEN Yeng Constantino, "Pinoy Dream Academy (PDA)’s" first grand star winner, mounts her first big concert, she promises to do things – things that she has not done yet nor dreamt of ever doing – to impress her audience.
For example, she will wear high-heeled shoes. Probably three inches high. "Para tumangkad naman ako," she quips.
Used to wearing sneakers, Yeng relates that when her mom urged her to wear high heels that she bought for her, the singer had a hard time walking. "Dahil pagewang gewang ang paglakad ko, before I knew it, natanggal ang takong ko," she relates.
The concert will also allow Yeng to sing songs which influenced her musicality. The songs will mostly be pop and rock. She will also get to jam with some of the country’s hottest artists and bands, some of whom are her idols.
But what excites Yeng about the concert even more is the participation of her former band, Morning Glory. "My band mates are amazed at how I made it," she reveals, "I promised them I will help them, too. They are proud of me."
* * *
Songs which she composed herself, such as "Hawak-Kamay" and "Salamat," are definitely in her repertoire. "I’m at my best writing a song if something unexpected happens to me," Yeng shares. "When I wrote ‘Hawak-Kamay,’ for example, ‘di ko alam kung paano ko hahawakan ang aking emotions. At that particular moment, a favorite cousin told me aalis siya.
"I felt so sad about her decision, so much so I told her that if she had any problem, we will solve it hand in hand.
"Pero, umalis din siya. But she’s back now," she says.
The song, "Sala-mat," was made while she was inside Big Brother’s house. She was overwhel-med by the number of text votes from PDA viewers. "On our own, we could not afford that much votes," she explains. "Kaya talagang thankful ako to all those who supported me."
"Hawak-Kamay" and "Salamat" are two of the songs she hopes the audience will appreciate at the concert which is titled "Rock Enroll: Yeng’s Rock to School (Back to School) Concert."
TRIPLE platinum na ang debut album ni Yeng Constantino.
Sa ASAP ng ABS, ibibigay ng PARI ang double platinum award kay Yeng for her debut album Salamat. Officially kasi as per last quarter, it has reached its second platinum sales, pero umabot na pala ito ng triple platinum. Kung tama nga ang projection, makaaabot pa rin daw ito ng quadruple platinum.
Kararating lang galing sa month-long tour ni Yeng kasama ang tatlo pang PDA scholars na sina JayR Siaboc, Ronnie Liang and RJ Jimenez kaya balik-ASAP din sila. Pero, end of this month, lilipad na naman sila papuntang Guam naman but this time, it’s just a two-day trip lang yata, balikan after their one show there.
Inihahanda na rin ni Yeng ang kanyang second album.
NAKATUTUWA naman itong si Yeng Constantino dahil habang kumikita ng pera, patuloy naman siya at ang kanyang pamilya sa pag-iisip ng kung anu-ano pang pagkakakitaan nila.
Sa huling tsikahan namin kay Yeng, naikuwento niyang bumili ng owner ang ina para magamit na pang-deliver ng ulam sa mga kapitbahay at karatig-lugar sa San Mateo, Rizal.
Madaling-araw daw kung gumising ang kanyang ina para mamalengke sa Marikina at pagkatapos, idi-deliver sa mga bahay-bahay sa San Mateo.
Sa hapon naman, ang ate niya ang gumagamit ng owner para magbenta ng meryenda’t kakanin.
Nagpatayo rin si Yeng ng three-door apartment nang sa gayun, may extra income rin.
Matatapos na ang nasabing apartment at kahit maliit lang ang presyo ng rental, at least, pandagdag-kita rin ito.
“Halimbawang P5,000 a month ang renta, tatlong pinto ’yon, eh, ’di P15,000 na rin sa isang buwan? Saan mo naman hahanapin ’yon?” ani Yeng.
May bubuksan na rin si Yeng na band studio dahil usung-uso sa Rizal ang mga banda.
“At least, may magagamit na silang studio para makapag-rehearse. Magka-canvass na ako ng mga equipment,” sabi pa ng PDA Grand Star Dreamer.
“Tulung-tulong talaga kami dahil naisip namin, hindi ito (showbiz) panghabambuhay,” dagdag pa niya.
Well, sana’y gayahin si Yeng ng ibang kabataan, lalo na ng mga artista nating walang ginawa kundi ang gamitin sa gimik ang kinikita na akala mo’y wala ng bukas.
You cannot post new topics in this forum You cannot reply to topics in this forum You cannot edit your posts in this forum You cannot delete your posts in this forum You cannot vote in polls in this forum