yengconstantino.myfreeforum.org Forum Index
 FAQ   Search   Memberlist   Usergroups   Join! (free)  
 Profile   Log in to check your private messages    Log in 

NEWS..
Page Previous  1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10  Next
 
Post new topic   Reply to topic    yengconstantino.myfreeforum.org Forum Index -> Getting to know Yeng...
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Please Register and Login to this forum to stop seeing this advertsing.






Posted:     Post subject:

Back to top
chrisbenoit



Joined: 19 Jan 2007
Posts: 191


Location: Digital World

PostPosted: Fri Aug 24, 2007 11:16 pm    Post subject: Reply with quote

smiley wrote:
August 23, 2007 06:43 PM Thursday
By: Vinia Vivar

NAKATUTUWA naman itong si Yeng Constantino dahil habang kumikita ng pera, patuloy naman siya at ang kanyang pamilya sa pag-iisip ng kung anu-ano pang pagkakakitaan nila.

Sa huling tsikahan namin kay Yeng, naikuwento niyang bumili ng owner ang ina para magamit na pang-deliver ng ulam sa mga kapitbahay at karatig-lugar sa San Mateo, Rizal.

Madaling-araw daw kung gumising ang kanyang ina para mamalengke sa Marikina at pagkatapos, idi-deliver sa mga bahay-bahay sa San Mateo.

Sa hapon naman, ang ate niya ang gumagamit ng owner para magbenta ng meryenda’t kakanin.

Nagpatayo rin si Yeng ng three-door apartment nang sa gayun, may extra income rin.

Matatapos na ang nasabing apartment at kahit maliit lang ang presyo ng rental, at least, pandagdag-kita rin ito.

“Halimbawang P5,000 a month ang renta, tatlong pinto ’yon, eh, ’di P15,000 na rin sa isang buwan? Saan mo naman hahanapin ’yon?” ani Yeng.

May bubuksan na rin si Yeng na band studio dahil usung-uso sa Rizal ang mga banda.

“At least, may magagamit na silang studio para makapag-rehearse. Magka-canvass na ako ng mga equipment,” sabi pa ng PDA Grand Star Dreamer.

“Tulung-tulong talaga kami dahil naisip namin, hindi ito (showbiz) panghabambuhay,” dagdag pa niya.

Well, sana’y gayahin si Yeng ng ibang kabataan, lalo na ng mga artista nating walang ginawa kundi ang gamitin sa gimik ang kinikita na akala mo’y wala ng bukas.

http://www.journal.com.ph/index.p...007-08-23&sec=3&aid=28717

more blessings sana bunso
_________________

..hirap ay di iindahin lahat ito ay gagawin..
..romantic love nuh eui mi so reul ta go nae ge ro wa..
Back to top
View user's profile Send private message
smiley



Joined: 04 Jun 2007
Posts: 419



PostPosted: Wed Oct 10, 2007 10:52 pm    Post subject: Reply with quote

Pamamahala sa PBB2 housemate at PDA scholar inilipat na sa Star Magic
By: Vinia Vivar

October 11, 2007 04:15 PM Thursday

Kumpirmado ngang inilipat na sa Star Magic ng Dream Big Productions ni Direk Laurenti Dyogi ang pamamahala sa mga PDA scholar at PBB2 housemate na dating hawak ng kanyang talent agency.

Sa presscon ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 last Tuesday, inamin ng direktor at business unit head ng PDA at PBB na nagdesisyon siyang i-turn-over na ang 17 talents dahil na rin sa mga intriga at batikos na tinatanggap niya.

Matatandaang isang taon pa lang buhat nang itayo nina Direk Lauren at Jon Ilagan ang DBP para i-handle at i-manage ang mga career ng PBB housemates at PDA scholars, pero katakut-takot na intriga na agad ang sinagupa nila.

Ang pinakagrabeng intriga ay ang tungkol sa pagkuha ng 90 (for PDA scholars) and 50 (for PBB) percent commission sa mga talent at aminado si Direk Lauren tungkol dito, pero may paliwanag siya.

Aniya, sobrang taas kasi ng talent fees ng mga bata, mas mataas kesa normal na baguhan. Ito ay dahil na rin sa nagawa ng show para sa kanila.

“Kahit pa sabihing 50-50 ’yan, over pa rin talaga ang kanilang kinikita kumpara sa lahat ng baguhan. That is the branding of the network. Some of them naman are known as housemates. You take away the ‘housemates’ title, it’s hard to book them, ’di ba?

“It’s because we’re able to package them as a group, as PBB housemates, then we can command more. ABS will not get into anything na madedehado ang mga taong pumapasok sa programa namin. You’d be surprised on how much they get for a newcomer.”

Kung nasasagwaan daw ang iba sa 50-50 set-up, ito ay dahil hindi nakikita ng mga ito ang bigger picture. Hindi raw lahat ng baguhan ay ganito kabilis nagkakaroon ng pangalan tulad ng nangyari sa PBB housemates and PDA scholars.

Sa mga nagtatanong kung bakit ang Star Magic, hindi kumukuha ng komisyon ’pag less than 100,000 ang TF ng talent, nilinaw ni Direk na hindi kasi profit center ito tulad ng DBP.

“Iba naman ang ruta ng reality program. If you want to take a longer route, okay ’yun. You go to Star Magic, but it will take a longer time.

“Parang ano lang ’yan, eh. I look at it as parang expressway. If you want to get to Alabang, you can take the normal tollgate and be charged lesser. But if you want the Skyway, you can join the reality program like PBB or PDA,” paliwanag ni Direk.

Sa ngayon, apat na lang ang natitirang talent ng DBP — sina Yeng Constantino, Jay-R Siaboc, Ronnie Liang at Emman Abatayon.

Ang 17 talents ay na-turn-over na, including Wendy Valdez, Bea Saw, Bodie Cruz, Gee-Ann Abraham, Bruce Quebral, Saicy Aguila, Nel Rapiz, Mickey Perz, Robert Wood, Dionne Monzato and Kian Kazemi, among others.

Sa Star Magic, standardized ang rate ng mga talent at hindi na sila kukuha ng komisyon although ang DBP pa rin ang mamamahala sa bookings.

“Management ang Star Magic, kami naman ang booking,” say ni Direk.

http://www.journal.com.ph/index.p...007-10-11&sec=3&aid=34593
Back to top
View user's profile Send private message
smiley



Joined: 04 Jun 2007
Posts: 419



PostPosted: Fri Feb 08, 2008 10:38 pm    Post subject: Reply with quote

Star Records wins 6 music awards

ABS-CBN's Star Records received a whopping six major awards from i-FM’s Pinoy Music Awards.

The Pinoy Music Awards is organized by radio station iFM 93.9, one of the most heard and largest radio networks in the Philippines with 16 FM radio stations nationwide.

The Pinoy Music Awards honors recording artists as well as others involved in the creation of music albums based on listeners' requests and tracking of hit charts from various iFM radio stations.

An annual event, the 2nd IFM Pinoy Music Awards was held at Cinema 4, SM Megamall last February 1, 2008 and hosted by iFM DJ Rob and singer/actress/VJ Nikki Gil.

Star Records collected 6 awards with Kim Chiu’s "Crazy Love" awarded Best Song Performed by a Female Performer as well as Most Popular Song of the Year for the same song.

Another well-loved talent, reality TV singing champion Erik Santos, won the award for Best Song Performed by a Male Performer for "Your Love".

Santos had won the same award during the 1st iFM Pinoy Music Awards for his song, "I’ll Never Go".

Brilliant and well-rounded performers from the reality-based show Pinoy Dream Academy (PDA) Yeng Constantino and RJ Jimenez won the award for Most Popular Song by a Duo for their rendition of "If we fall in love."

Another song by Yeng Constantino was awarded Extremely Requested Videoke Song for "Hawak Kamay",’ which she both wrote and sang for the comedy film, ‘Kasal, Kasali, Kasalo.’

Meanwhile the "Wowowee" song "Dododo dadada" sung by TV host Willie Revillame won the Most Popular Novelty Song award.

http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryId=108555
Back to top
View user's profile Send private message
smiley



Joined: 04 Jun 2007
Posts: 419



PostPosted: Wed Mar 05, 2008 10:32 pm    Post subject: Reply with quote

Yeng Constantino shares her "Journey" of self-discovery
Jocelyn Dimaculangan

Wednesday, March 5, 2008
10:22 PM




Winning the reality show Pinoy Dream Academy is a journey unlike any other and Yeng Constantino is the perfect person to sum it up. Hailed as the Grand Star Dreamer of the Philippine edition of Endemol's Star Academy, Yeng took home not only cash prizes and a fully furnished condo unit but she also gained a wealth of experiences that not many singers can boast.  

 

PEP (Philippine Entertainment Portal) was able to talk on the phone with Yeng about her latest album aptly titled Journey. Last March 4, the rock star singer-songwriter was shooting a music video for her album in Makati City. Directed by Mark Anthony Ocampo, the music video will feature Yeng performing with her band, Morning Glory.

 

"May eight original compositions po ako dito. Two of them came from Annabelle Regalado [managing director of Star Records] tapos ‘yong isa revival ng song ng Asin na 'Himig ng Pag-ibig'. ‘Yong isa po, original composition naman ni Eman Abatayo na 'If You Go.'"

 

Eman is Yeng's co-scholar in Pinoy Dream Academy who hails from Iloilo.

 

"Actually, mayroon akong ibang choice na kanta mula sa Asin pero nung pinarinig nila sa akin yung 'Himig ng Pag-ibig', nagbago yung isip ko. Sobrang nagustuhan ko yung feel ng gitara saka yung bagsak ng drums," explains Yeng.

 

The 12-track album Journey consists of the songs "Di Na Ganun," "What About Us," "Ikaw Lang Talaga," "Tao Lang Ako," "Pili Ka Lang," "Promise," "If You Go," "Bakit Nga Ba," "Himig ng Pag-ibig," "Why Can't You," "Tala," and "Habang Buhay."

 

It took Yeng one month to finish the album Journey compared to the one week it took her to finish her debut album. Her first album titled Salamat is composed of 10 tracks, seven of which are original compositions of the rocker-diva. It includes the phenomenal "Hawak Kamay" that was named as Best Theme Song in the 32nd Metro Manila Film Festival for the movie Kasal, Kasali, Kasalo.

 

For 2008, Yeng hopes to enroll again in school, whether a home study program or regular school, if she can find the time for it. "Hanggang high school lang po ang natapos ko. Hindi ako nag-college para makapag-aral yung kapatid ko ng Nursing. Sa ngayon po, third year college na siya." She has yet to decide whether to take up Mass Communication or Music.

 

Yeng admits that she lived a very sheltered life prior to joining PDA. "Hindi po ako gumagawa ng household chores sa bahay. Tuwing may gig ako sa PDA, wala nang nagpupunas ng pawis ko.

 

"Sa loob, hindi ka puwedeng magtanong ng opinion ng tatay mo. Matututo ka kung paano makisalamuha sa ibang tao. Malaking bagay ‘yon [joining PDA] as my first step to independence."

 

When asked what best lesson she learned during the first school term of PDA, Yeng did not hesitate to say that former Headmaster Jim Paredes imparted a very valuable lesson that she will never forget.

 

"Si Sir Jim lagi niyang sinasabi na kailangan alam mo ang sentro mo. Alam mo dapat kung sino ka kasi magva-vanish ang totoong ikaw sa mundo ng showbiz. Yun ang magtatapak sa ‘yo sa lupa at mapapanatili kang grounded."

 

For the second season of Pinoy Dream Academy, Maestro Ryan Cayabyab will mold the incoming batch of scholars.

 

Now that another batch will also go through a series of tests and training inside Pinoy Dream Academy, what advice can she give to these aspiring singers?

 

"Huwag silang magsasayang ng oras. Enjoy n'yo lang ang samahan ninyo kasi sobrang mami-miss n'yo ‘yan pagkatapos. Lahat ng lessons importante talaga. Mula sa voice coaching lessons hanggang dun sa physical fitness class...lahat interesante.

 

"May purpose kung bakit nila tinuturo yun. Magagamit ninyo talaga sa industriya. Saka yung laging sinasabi nila na ‘Set your mind to your goal.'"

 

After hurdling 16 weeks of relentless vocal training and exercise, the young singer proved in the end that she really set her mind to her goal—to become the first winner of Pinoy Dream Academy.

 

Yeng Constantino's Journey is now available in leading music stores nationwide. Star Records will formally launch her album on the March 9 episode of the noontime variety show ASAP ‘08.

http://www.pep.ph/guide/1673/Yeng...res-her-Journey-of-self-discovery
Back to top
View user's profile Send private message
smiley



Joined: 04 Jun 2007
Posts: 419



PostPosted: Sat Mar 08, 2008 10:33 am    Post subject: Reply with quote

Yeng dako’g utang sa iyang manager?
Saturday, March 8, 2008

Hugtanon nga gihimakak ni Pinoy Dream Academy first winner Yeng Constantino ang isyung dako siya og utang sa manager niya tungod kay wala siya’y hatag-hatag og komisyon. Tsika pa sa Pilipino Star Ngayon perteng hibunga ni Yeng nganong dunay ingon niini nga isyu sanglit kanunay man nga moadto ang iyang manager sa iyang balay sa Mandaluyong. Wala po akong alam na problema sa komisyon kasi parati naman po akong nagbibigay sa kanya everytime na may gig ako.  Sila ni Papa ko ang nag-uusap at alam ko kung ano ang mga pinag-uusapan nila,  kun-ot ang agtang ni Yeng nga nang-rason.

Gipanalipdan ni Yeng ang Papa niya nga giintriga nga maoy naghurot og gasto sa iyang kinataan para sa kaugalingon lamang niini.

Ha, imposible po ‘yun dahil si Papa, walang gamit, ‘yung cellphone nga niya, 3310 pa rin, walang bagong damit at sapatos.  Nagta-trabaho pa rin siya, wala pong ganu’n at saka po alam ko lahat kung nasaan ang pera ko. Yung bank account ko po ay hawak ng Star Magic at hindi ko puwedeng i-withdraw until a certain time.  Alam ko po lahat.  Budgeted po lahat ang gastos ko sa bills, pagpapagawa ng bahay namin, pambili ng mga pangangailangan.

Bakit naman po isasama ang Papa ko sa isyung pera, huwag naman sanang ganu’n,  nagluha ang mga mata nga lenggua ni Yeng sa presscon nila ni Kim Chiu.

http://www.philstar.com/index.php...2&sec=144&aid=20080307114

pakitranslate nmn po kung sino marunong... thanks!
Back to top
View user's profile Send private message
smiley



Joined: 04 Jun 2007
Posts: 419



PostPosted: Sat Mar 08, 2008 10:37 am    Post subject: Reply with quote

Kim Chiu and Yeng Constantino not threatened by new batch of dreamers

Jocelyn Dimaculangan

Saturday, March 8, 2008
08:57 AM

 
Not too long ago, a young Chinese-Cebuana and a native of Rizal both dreamed of making it big in the world of showbiz and music, respectively. Today, Kim Chiu and Yeng Constantino can proudly say that, cliché as it may sound, dreams do come true.

 

Yesterday, March 7, ABS-CBN formally launched the start of the reality programs targeting the youth of today. Pinoy Big Brother Teen Edition Plus has started giving away 30 Dream Keys to teenagers all over the country. These coveted items signify that they have the chance to enter the PBB house once they surpass all the challenges posed by Big Brother. The 30 short listed candidates will be trimmed down until the 12 tenants of PBB Teen Edition Plus will be revealed.


If you're wondering why there's a Plus at the end of the title of the show, it refers to the addition of a new host—Luis Manzano. He will be hosting the latest edition of PBB along with Toni Gonzaga, Mariel Rodriguez, and Bianca Gonzalez.

 

On the other hand, Pinoy Dream Academy is sporting a new logo and expecting a new set of aspiring singers who will be given the opportunity to train under talented singers and develop their vocal skills inside the Academy. It will be headed by a new Headmaster in the person of Ryan Cayabyab, who replaces Jim Paredes.

 

Now that a new batch of dreamers will be joining the same contest that gave them fame and success, do Kim and Yeng feel threatened by the impending competition?

 

Yeng answered by saying that it is up to her to ensure her staying power in the industry.

 

"Dapat nga po maging masaya kami na may bagong kabataan na katulad namin na nangarap. Alam namin ang pakiramdam nun, kung paano sila nag-aspire at sila naman yung magkakaroon ng time kasi nakuha na namin yung gusto namin. Nasa part na po namin kung paano kami mag-i-istay.

 

"Time naman po nila para tuparin yung pangarap nila. Dapat po talaga masaya kami," said Yeng.

 

For her part, Kim says, "Lahat naman po ng tao may sariling chance sa buhay kung magiging artista sila. May kanya-kanyang chance ang tao."

 

HUMBLE BEGINNINGS. Jilmer Dy recalls the reasons why Kim stood out during the auditions of the reality TV show. "Si Kim kasi sobrang natural. Noong umakyat siya sa stage, kinukurot daw niya yung pisngi niya kasi hindi siya naka makeup...gusto niyang magmukhang naka-blush on. Natural lang, kapag kailangang ngumiti, ngumingiti siya. Kung ano yung nakita namin noon, yun din yung nakikita ngayon.

 

"Saka nakikita mo yung sparkle ‘pag umakyat na siya onstage, no matter how raw, may gut feel ka. Parang itong taong ito would be good TV material," says the senior story editor of PBB Teen Edition Plus.

 

As for Yeng, she says that she had an embarrassing moment when she auditioned for PDA. "'Di ko talaga malilimutan ang audition ko kasi, di ba, hindi pa pinatapos ni Direk [Lauren Dyogi of PDA] yung kanta ko 'tapos sabi niya lang ‘thank you.' E, ako naman sabi ko, ‘thank you lang po? Ganun lang po?'

 

"Natawa lang siya and ayun, pinapirma ako [sa registration]. Kung di ko ginawa yun, siguro hindi ako natanggap," says the singer-songwriter.

 

The future looks especially bright for these two female stars especially since Kim has been chosen to star in the Filipino remake of the hit Korean Tv series My Girl. The Chinese-Cebuana will also star with Gerald Anderson in Claudine Barretto's comeback TV series Maligno.

 

Yeng, on the other hand, has just released her second album titled Journey and is expected to join the cast of the youth-oriented show Astigs. She has been taking up acting workshops to prepare her for more challenging roles.

http://www.pep.ph/news/16645/Kim-...reatened-by-new-batch-of-dreamers
Back to top
View user's profile Send private message
smiley



Joined: 04 Jun 2007
Posts: 419



PostPosted: Sat Mar 08, 2008 10:41 am    Post subject: Reply with quote

Yeng Constantino shares life changes and lessons learned in "Pinoy Dream Academy"
Balot Antazo

Saturday, March 8, 2008
11:13 AM


Pinoy Dream Academy (PDA) had a big impact on Grand Star Dreamer Yeng Constantino's life—the reality search opened the door to many opportunities for Yeng and brought her acclaim in showbiz. A bright future awaits her.



Dati'y simple at ordinaryong kabataan si Yeng. Ngayon ay isa nang kilalang pangalan sa music industry at idolo ng kabataan, at patuloy pa rin ang kanyang paglalakbay tungo sa tagumpay. Dahil sa PDA, hindi lang niya natupad ang kanyang pangarap, nabago pa niya ang kanyang buhay at ang kinabukasan ng kanyang pamilya. Tunay ngang ipinapakita ni Yeng at ng PDA na nothing is impossible when you dream big.



Kaya ganoon na lamang ang pasasalamat ni Yeng sa napakalaking naitulong ng pagkakapanalo niya sa reality search na ito.



"Sobrang saya ko talaga at hindi ko ini-expect ang lahat ng ito. Nung sumali ako sa PDA, ang gusto ko lang naman ay makatulong sa pamilya ko at maparinig ang musika ko," pahayag ni Yeng sa pagbubukas ng bagong season ng Pinoy Dream Academy at Pinoy Big Brother Teen Edition Plus kahapon, March 7, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.



"Sobrang laki talaga ang naitulong sa akin ng Pinoy Dream Academy," patuloy ni Yeng, "dahil nag-start po kami talaga, sobrang ordinary story, e. Nanggaling po sa hirap yung pamilya namin. Nahihirapan po talaga yung parents ko dati. Pero sobrang sarap ng pakiramdam na ngayon ay nakakatulong ka na sa magulang mo, yung kapatid mo nabibigyan mo ng pinansiyal na suporta para makapag-aral. Sobrang sarap sa pakiramdam!

 

"Kasi po bunso ako, pero alam ko ang responsibilidad. Alam ko yung ibig sabihin ng pagmamalasakit sa mga kapatid at sa kamag-anak namin, kaya ‘ayun. Yun ang pinakamalaking naitulong ng PDA, yung makatulong kami sa pamilya namin. At siyempre, yung mai-share ang music mo sa mga tao, yung mga isinusulat mong kanta, yun ang pinakamasarap na part. Yung makagawa ka ng mga kanta, marinig ng mga tao," pahayag ni Yeng.



THE BEGINNING. Nagsimulang magtrabaho si Yeng sa edad na 14 upang magbigay-daan sa pag-aaral ng mga nakatatandang kapatid. Nagsilbing big break ni Yeng ang mapasali sa Top 20 scholars ng PDA.

 

Hanggang ngayo'y sariwang-sariwa pa sa alaala ng rakista mula sa Montalban, Rizal, ang kanyang hindi malilimutang audition kung saan siya'y umeksena at mapangahas na umapila sa mismong direktor at head ng show na si Laurenti Dyogi.



"Hindi niya kasi pinatapos yung kanta ko, ‘tapos sabi niya na 'thank you.' E, ako naman, sabi ko 'Thank you lang po? Ganun lang po?' Natawa siya and ayun, pinapirma ako. Kung hindi ko ginawa 'yon, siguro hindi ako natanggap," pagbabalik-tanaw ng dalaga.

 

"Natutuwa po ako sa tiwala nila sa akin at sa musika ko. Yung pagkakapanalo ko po kasi sa PDA, yung talagang nagbago hindi lang ng buhay ko, pati na rin ng pamilya ko. Kaya po sobrang laki ng utang na loob ko sa kanila."



Bukod dito, utang din ni Yeng sa PDA ang mga naging pagbabago sa kanyang pagkatao. Kung dati'y siya ay iresponsable, makalat sa gamit, laging nakasandal sa magulang, at hirap makisama sa ibang tao, ngayo'y ganap na niyang nabago ang mga ito.



"Natuto po akong tumayo sa sarili kong mga paa. Natuto akong maging independent, at natuto akong makisama sa tao. Ang laki talaga ng epekto sa akin kasi hanggang pagtanda ko, dala ko na 'yon. Natuto din pala akong maglaba!" natatawang kuwento ni Yeng.



Bukod sa pagkakaroon ng triple platinum status ng kanyang debut album, sold-out na solo concert, matagumpay na world tours, at sandamakmak na awards, nai-release na rin kamakailan ang pangalawang album ni Yeng na Journey. Kaya naman marami na ang nagsasabi na siya na ang pinakamahusay at pinaka-promising singer-composer ng kanyang henerasyon.



PDA SEASON 2. Sa darating na Mayo, enrollment na naman para sa Season 2 ng Pinoy Dream Academy at tulad ni Yeng, ilang buhay na naman ang magbabago at ilang pangarap ulit ang matutupad. Kaya ang payo ng pinakaunang valedictorian ng academy sa mga future scholars ay:



"Pag nandoon na sila sa loob, itutok lang nila yung isip nila sa dreams nila. Isipin talaga nila kung ano yung purpose nila kung bakit sila nandun. Kasi marami silang matutunan sa loob ng bahay, maraming magiging kaibigan.

 

"Kailangang tatagan ninyo ang sarili n'yo. ‘Tapos kailangang galingan n'yo para mai-prove ninyo na talagang deserving kayong mapasama sa academy. Dapat i-enjoy nila ang pag-stay sa loob dahil nakaka-miss talaga kapag nasa labas na, e. Dapat ding maging totoo sa kanilang mga sarili."



WORST INTRIGUE. Dahil nasa mundo na nga si Yeng ng showbiz,  tinanong namin kung anong pinakamalalang intriga ang kanyang kinaharap mula nang pumasok siya sa industriya. Paano niya na-handle ang ganoong situwasyon?



"Ako po, yung sinabihan yung papa ko na 'addict' daw po," sabi ni Yeng. "Nagalit po talaga ako, kasi sobrang papa's girl po talaga ako. ‘Tapos alam ko po kung paano niya po ako pinalaki. Medyo nakakainis po, doon po talaga ako nagalit. Nasasaktan ako 'pag mga ganoong intriga.

 

"Gusto ko lang linawin na ang papa ko po ay hindi addict," diin ni Yeng. "Asthmatic po siya, hindi po siya nagte-take ng kahit ano, hindi po siya naninigarilyo, nag-iinom, wala po siyang bisyo kahit sugal. Lahat po ng intriga sa akin hindi ako naapektuhan, pero ito po sinasabi nila tungkol sa papa ko, dun po ako naapektuhan. Siyempre, tatay ko 'yon, Papa's girl ako kaya ipagtatanggol ko. Sobrang bait na tao nu'n at maraming taong magpapatunay diyan."



Isa pang intriga na ikinaloka ni Yeng ay ang isyu na may anak na raw siya.



"Medyo naapektuhan ang family ko sa issue na 'yon, e. Yung pamilya kasi namin, ni-raise kami sa Born Again nung bata pa kami, kaya medyo hindi kami sanay 'pag ganoong usapin , lalo't walang katotohanan ang isyu," pahayag ni Yeng.



CAREER MILESTONES. When asked kung ano naman ang maku-consider niyang pinaka-bonggang nangyari sa kanyang career, sagot ng magaling na singer: "Nung magkaroon ako ng first major concert, ‘tapos po yung album ko na Salamat, nung mag-Gold po ito. Yun ang pinaka-memorable sa akin."



Paano naman siya name-maintain ang magandang status ng kanyang career?



"Sa akin po, nakatulong yung pag-train nila sa amin sa Academy. So paglabas, na-apply po namin lahat ng natutunan namin. Pinalago pa namin with discipline saka pagmamahal sa trabaho talaga. ‘Tapos, pagtanaw ng utang na loob sa mga taong nagbigay sa iyo ng trabaho, yung mga taong nakakita sa 'yo ng talento. Yun po ang mga bagay na nakatulong. And yung pagmamahal sa mga taong sumuporta, kasi 'pag minahal mo sila, mas mamahalin ka nila, mas higit pa," sagot ni Yeng.



Ano naman sa tingin niya ang dapat pa niyang i-improve para mas lalong magtagal sa industriya?



"Ako kasi sa music talaga naka-based, pero siyempre, marami pa rin akong gustong i-try, like acting. Nagwo-workshop ako dahil aminado akong hindi pa ako sanay sa pag-arte. Nagte-training na ako, magiging part ako ng Astigs and, hopefully, makagawa rin ako ng episode sa Your Song. Gusto ko rin pong maging magaling na host, medyo dun po ako kulang kasi medyo nabubulol ako kaya siguro dapat 'yon ang i-improve ko."  



Inintriga rin si Yeng ng press dahil balitang mahal daw ang presyo niya kaya medyo lumamlam ang kanyang career nitong mga nagdaang buwan. Naramdaman ba niya ito?



"Naku, hindi naman po. Hindi totoo 'yan. Naramdaman ko rin 'yon for a while, pero siguro talagang ganito lang ang siklo ng career ko. Thankful pa rin ako dahil may mga projects pa rin ako, may bago akong album at nasa ASAP pa rin po, " pagwawakas ni Yeng.

http://www.pep.ph/news/16648/Yeng...ns-learned-in-Pinoy-Dream-Academy
Back to top
View user's profile Send private message
smiley



Joined: 04 Jun 2007
Posts: 419



PostPosted: Sat Mar 08, 2008 12:52 pm    Post subject: Reply with quote

YENG CONSTANTINO, TULUY-TULOY ANG TAGUMPAY WITH "JOURNEY!"Posted 3/8/2008 3:46:26 PM by randy

Isa lang ang masasabi nang mga nauna nang nakarinig ng mga kanta ni Yeng Constantino sa bago niyang album na JOURNEY: ramdam na ramdam mo si Yeng sa kanyang mga kanta.

Ang latest album ni Yeng na ito under Star Records ay isa talagang fulfillment for the young singer. Pagkatapos nga naman ng isang taon ay hindi pa rin magkamayaw ang mga tao kay Yeng dahil bawat kantang gawin niya, bawat paglabas at bawat concert o gig na kanyang puntahan ay dinudumog siya ng mga tao. Kaya super dedicated talaga siya sa proyektong ito!

“Sabi nga ng parents ko, ibigay ko sa mga tagasuporta ang nararapat for them, kaya sa album na ito, binuhusan ko ng extra care at todo-alaga sa paggawa ng kanta, sa pagpapaareglo, dahil they deserve the best. Malaki ang pasasalamat ko sa fans dahil wala naman ito lahat kung wala sila. Yun pa lang, dahilan na talaga para pagandahin ang project na’to. Journey ko ito kasama ng mga tagasuporta!” paglalahad ni Yeng.

Magaganda at tagos sa puso ang mga kantang kasama sa album na ito DI NA GANON, PROMISE, PILI KA LANG, TAO LANG AKO, WHAT ABOUT US, HIMIG NG PAG-IBIG, IF YOU GO, BAKIT NGA BA, WHY CAN’T YOU, TALA at ang favorite ng bayan na Sakal, Sakali, Saklolo theme song, HABAMBUHAY.

Marami ring nagsasabing ilan sa mga kanta sa espesyal na album na ito ni Yeng ay sagot daw sa kanta ng kanyang rumored boyfriend na si RJ Jimenez na “SUPERSTAR”. Matatandaang nag-ingay ang hit song na ito dahil daw si Yeng ang dinedescribe daw ni RJ sa kanyang kanta!

“hahaha! Hay naku bahala na po silang mag-interpret basta ako ang gusto ko lang maganda ang songs na nasa album ko at maraming makakarelate. O di ba marami ring nakarelate sa Superstar? Ganon din po sa mga kanta ko!” sagot ni Yeng.

Available na ang JOURNEY sa lahat ng music stores worldwide!

http://www.starrecords.ph/news.asp?id=13
Back to top
View user's profile Send private message
smiley



Joined: 04 Jun 2007
Posts: 419



PostPosted: Sat Mar 08, 2008 11:43 pm    Post subject: Reply with quote

Yeng Constantino prefers to stay away from money matters
Jocelyn Dimaculangan

Saturday, March 8, 2008
10:31 PM


A self-confessed Papa's girl, Yeng Constantino trusts her father Joselito to manage her finances for her.

After winning as the Grand Star Dreamer of Pinoy Dream Academy, Yeng has been facing a lot of intrigues, the latest of which is about the mismanagement of her finances. There have been reports claiming that the singer-songwriter is already bankrupt and unable to pay debts to her manager, Jay Lavilles.

When asked to react on this matter, Yeng declares: "Lahat ng income ko po hindi ko hinahawakan. Ang naghahawak po niyan, ang papa ko."

"Kung meron naman kaming utang, maayos po kami ng manager ko, maayos naman po kami. Sa tingin ko po wala kasi nag-meeting po kami tungkol sa new album kong Journey, sabi nga po ni Ma'am Annabelle [Regalado, Star Records' managing director] wala naman pong issue. Pero maganda naman po na nalinaw namin.

"Kasi po sa pera, hindi po ako nakikialam masyado sa money. Yung papa ko saka manager ko ang nag-uusap tungkol sa ganyan. Hindi po ako nagtatanong tungkol sa ganyan."

The top scholar of PDA maintained that if there were financial problems, she would be the first to know about them.

"Una sa lahat, kung meron po silang argumento tungkol sa money, makakarating po 'yon sa akin dahil sasabihin ng manager ko ‘yon sa akin. Pero wala po silang sinabing ganun...siguro kasi wala silang argumento kaya wala pong nakarating sa aking ganun.

"Wala naman pong sinabi yung manager ko na ‘Yung papa mo ganito, ganito.' Okay silang dalawa, close silang dalawa."

She added: "Ang manager ko po, nagkikita po sila sa Ateneo kasi yung Papa ko nagtatrabaho pa rin ngayon sa Ateneo. Pumupunta po dun sa Ateneo yung manager ko para kunin niya yung commission niya. Nagkikita po silang dalawa, binibigay po ni Papa."

Does she have an idea about the identity of the person/s spreading the rumors about the mismanagement of her finances?

"Hindi ko po alam," says the bewildered singer-songwriter. "Hindi naman po siguro manggagaling sa tatay ko or sa manager ko."

Yeng narrated her cash flow for the benefit of those doubting the stability of her finances.

"Halimbawa po meron akong gig, ako po nag-aabot ng check sa kanya. ‘Pa, ito po.' Ako po talaga nag-aabot kasi kahit na nagtatrabaho na po ako, hindi po maganda yung parang ako ang maghahawak ng money ko. Responsibilidad ng magulang na i-manage kung anong meron kaming financial na pera."

Does she have her own bank account?

"Meron po, ginawa po talaga ng Star Magic ‘yon, ginawa talaga nina Mr. M [Johnny Manahan] ‘yon for me. Meron po akong sariling account na hindi ko mapapakialaman. Talagang savings po ‘yon."

She says that the money she gives to her father is for the payment of their bills and for the construction of their house. Yeng is helping her family construct their own home in Rizal to replace the one that was demolished in the past. The rock musician even shared her blessings for her relatives by giving away food for Noche Buena. However, she does get to keep the payment for her guestings such as Homeboy, Boy and Kris, and ASAP ‘08. She only splurged on herself by purchasing a purple-colored Ibañez guitar.

Does she know of any enemies who want to ruin her reputation?

"Hindi ko po alam basta rock ‘n roll lang po ako," was Yeng's last words before rushing off to the Aliw Theater to perform her signature songs for a concert of Ballet Manila.

http://www.pep.ph/news/16650/Yeng...s-to-stay-away-from-money-matters
Back to top
View user's profile Send private message
smiley



Joined: 04 Jun 2007
Posts: 419



PostPosted: Sun Mar 09, 2008 12:09 am    Post subject: Reply with quote

Ang pinakaaabangang dalawang reality shows ay malapit nang mapanood ulit.

Kaya naman sa ASAP ‘08, narito na ang pinaka-malaking kick off ng Pinoy Big Brother Teens Plus at ang Pinoy Dream Academy Season 2.

May special numbers din ang mga big winner at big dreamer na sina Kim Chiu at Yeng Constantino na kakanta ng dalawang hit songs kasama ang iba pang mga teen stars!

Magbibigay din ng  Dream Big sticker at T-shirt para sa mga lucky fans na pupunta sa tapat ng Bahay ni Kuya.

Sa ASAP ‘08 din magsi-celebrate ng kanyang birthday si Gretchen Barretto. Naku, maging equally controversial kaya ito katulad ng huli niyang guesting sa Entertainment Live?

http://www.journal.com.ph/index.p...008-03-09&sec=3&aid=51961


Back to top
View user's profile Send private message
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic    yengconstantino.myfreeforum.org Forum Index -> Getting to know Yeng... All times are GMT
Page Previous  1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10  Next
Page 6 of 10

 
Jump to:  
You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum

Card File  Gallery  Forum Archive
Powered by phpBB © 2001, 2002 phpBB Group

Beats101 Template by Disfunktion Crew
Create your own free forum | Buy a domain to use with your forum
yengconstantino.myfreeforum.org Forum Index