Siguradong may bago na namang kababaliwan ang mga manonood diyan na mahilig sa bagets. Heto nga at handang-handa na ang pagbabalik ng Pinoy Big Brother (PBB) Teen Edition, at Pinoy Dream Academy (PDA).
Muli ngang bubuksan nina Kuya at Headmaster ang kanilang mga pintuan sa mga kabataan at musikerong Pinoy, hindi lang para pasikatin sila, o maisakatuparan nila ang kanilang mga pangarap, kundi para baguhin din ang kanilang mga buhay.
Sa PDA, naabot talaga ni Yeng Constantino ang kanyang mga pangarap. Aba, sa rami rin ng raket niya, marami na siyang naipundar ngayon at naiahon na niya sa kahirapan ang kanyang pamilya.
Ang debut album niya ay umabot na sa triple platinum, at nakarating pa siya sa iba’t ibang bansa para mag-concert.
Nag-release na rin siya ng kanyang second album, ang Journey.
Well, hindi naman ako tumututol na nabibigyan talaga ng chance ang mga winners ng PBB at PDA na mabago ang kanilang buhay.
Pero, ang sinasabi ko lang, mas maganda sana kung ma-maintain o maalagaan talaga sila nang husto, para hindi naman sila bumalik sa kung saan man sila nagmula.
Anyway, sa March 23 ay ipakikilala na naman ang mga bagong teen housemates. Siyempre, sina Toni Gonzaga, Bianca Gonzalez, Mariel Rodriguez at Luis Manzano pa rin ang mga hosts nito.
Sa March 16 naman ang PBB Teen Edition Plus Primer.
Sa Mayo naman sisimulan ang enrollment para sa PDA.
SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio Sunday, March 9, 2008
Sa buwan ng Mayo naman ay gaganapin ang Philippine Dream Academy 2 with new headmaster Ryan Cayabyab.
Matatandaang si Yeng Constantino ang kauna-unahang grand dreamer dito, si Yeng na naniniwalang kaya lamang siya natanggap ay dahil sa kanyang audition ay nagreklamo siya kay director Lauren Dyogi nang di nito pinatapos ang kanyang pagkanta at sa halip ay pina-thank youhan na lang siya.
“Sabi ko, ‘thank you lang po? Natawa siya at ayun pinapirma na ako,’ pagbabalik-alaala ni Yeng na matapos manalo sa unang PDA ay nagkaroon ng triple platinum debut album, sold out solo concert, matagumpay na world tours at sandamakmak na awards. Na-release na rin ang kanyang ikalawang album na pinamagatang Journey.
Aminado si Yeng Constantino na malaki ang nabago sa buhay niya mula nu’ng si-ya’y sumikat na bilang singer. Laki sa hirap si Yeng kung ka-ya’t sinisikap umano niya nga-yon na matulungan ang pa-milya niya.
Boyish ang dating ng si-nger kung kaya akala rin ng marami ay tomboy siya talaga. Pero, hindi.
Girl na girl si Yeng. ‘Yung porma lang daw niya ang may pagka-boyish.
In fact, may ilan ngang nagkomento na dapat ay ma-tuto siyang maging glamo-rosa lalo pa at may okasyon gaya ng isang press confe-rence o party na kung saan ay makikihalubilo siya sa ma-raming tao.
O, bago mag-react ang iba riyan, payong chorva lang po ito. Kung ayaw sundin, ‘wag.
Siyanga pala, excited na ang lahat sa muling pagbu-bukas ng Pinoy Dream Aca-demy.
Although sa May pa ang pormal na pagsisimula ulit nito, ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ito nang husto. Si Ryan Cayabyab ang magiging Head Master ng PDA.
KATORSE pa lang si Yeng Constantino, kayod to death na siya para suportahan ang pag-aaral ng mga kapatid at bigyan ng magandang buhay ang mga magulang.
Kaya naman nang makarating sa kanya ang paratang na addict ang kanyang ama, ’di nito napigilang magalit sa mga nagpaparatang.
“Nasa abroad po ako nang makarating sa akin ang balitang sinabihan daw na addict ang tatay ko. Grabe naman silang magparatang. Payat po talaga ang tatay ko dahil may hika. Hindi po siya addict,” say ni Yeng nang humarap sa press nu’ng Friday.
“Tirahin na nila ako, huwag lang ang pamilya ko. Kaya nga ako nagsisikap, eh, para sa kanila. Masakit sa aking marinig ang paninira sa tatay ko. Sana bago sila magsalita ng hindi maganda, siguruhin muna nila,” dagdag pa ni Yeng.
Anyway, sikat na talaga ang PDA grand winner kaya naiintriga.
Bukod sa pagkakaroon ng triple platinum debut album, sold-out solo concert, world tour at awards, released na rin ang kanyang sophomore album na Journey.
Sa Mayo, magkakaroon na naman ng enrollment para sa Season 2 ng Pinoy Dream Academy at tulad ni Yeng, ilang buhay na naman ang magbabago at ilang pangarap ang matutupad.
Payo ni Yeng sa future PDA scholars, i-enjoy ang pananatili sa loob ng academy at maging totoo lang sa mga sarili.
“Once in a lifetime experience lang ’yan, kaya i-todo n’yo na. Ipakita n’yo ang lahat ng inyong nalalaman, makinig sa mga teacher, maniwala sa musika n’yo at higit sa lahat, magtiwala sa Itaas,” paalala pa ng singer.
YENG Constantino is the winning Grand Dreamer in the first Pinoy Dream Academy. “I have so much to be thankful for since then,” she says. “I won a condo unit for me and my family at hindi na kami squatter. I had my own album na naka-triple platinum and I had my own solo concert.
Tapos, ilang beses akong nakapunta sa States to do shows there. And to think, when I took the audition, muntik na akong maging ‘thank you girl’ lang. Ni hindi pinatapos ni Direk Lauren Dyogi ang song ko at nag-thank you siya agad sa akin, so sabi ko naman, ‘Thank you lang po?’ Natawa siya and called me back, tapos, pinapirma na ako. Ayun, nakasali nga ako sa PDA.”
And the rest, so they say, is history. She eventually bested 19 other scholars and even won best song awards from the Metro Manila Filmfest and FAMAS for her composition, “Hawak Kamay”, that was used as the theme song of “Kasal, Kasali, Kasalo”. Now, she has released her own album, “Journey”. PDA Season 2 will start in May with Ryan Cayabyab as the new headmaster.
What can she say about observations that she’s a tomboy? “I admit namang boyish ako, kasi lagi nga akong nakapantalon at rubber shoes. Pero sa porma lang po ‘yun. Sa puso, girl pa rin ako. Sabi nga nila, dapat, mas maging glamorosa na ang projection ko ngayon. Siguro, in due time, pero kailangang maging comfortable muna ako para hindi ako magmukhang trying hard.”
What advice can she give to the next batch of scholars?
“Just be yourself, but give your best. Maging totoo lang sila and don’t pretend na they’re someone they’re not. Mas mamahalin sila ng viewers.”
Timing
Payo ni Yeng sa incoming housemates
Rowena Agilada
Nabago ang buhay
Sometime in May mag-uumpisa ang "Pinoy Dream Academy Season 2." Si Yeng Constantino ang first grand star dreamer at aniya, malaki ang nabago sa kanyang buhay matapos siyang mag-win sa naturang reality show ng ABS-CBN. "Galing ako sa isang mahirap na pamilya at masarap ang pakiramdam na malaki ang naitutulong ko ngayon sa pamilya ko. Napag-aaral ko ang mga kapatid ko at natutulungan ko pa rin ang mga kamag-anak ko," ani Yeng.
Payo niya sa mga susunod na batch ng "PDA," itutok lang ang mga isip nila sa kanilang goals, kung bakit ‘andun sila sa "PDA," magpakatatag at galingan nila para patunayang deserving sila. "I-enjoy nila ang pananatili nila sa loob dahil nakaka-miss kapag lumabas na. Magpakatotoo sa sarili. Once in a lifetime experience lang ‘yon kaya itodo na ang kayang gawin," sey pa ni Yeng.
She recalled noong nag-audition siya sa PDA na hindi pinatapos ni direk Lauren Dyogi ang kanta niya. Sinabihan siya nito ng "Thank you." "Sabi ko naman, ‘Thank you lang po? Gano’n lang po?’ Natawa siya and hayun, pinapirma ako," tsika ni Yeng.
Gusto rin niyang subukang umarte at lumabas sa isang soap opera kaya nag-a-acting workshop siya ngayon kay Be-verly Vergel every Wednesday.
Yeng’s wonderful journey
If there is one thing that Yeng Constantino, would not want to be labeled as, it is being a diva. Nowadays, being a diva connotes being a prima donna and the first-ever PinoyDreamAcademy (PDA) big winner reaffirms that it is a stature she has no plans of pursuing. “I’m not against kahit na sinong diva. Ayos lang, pero sa parte ko, hindi ko po talaga kayang maging ganon,” Yeng declares. She continues in saying that she is just a simple girl with a lot of passion for her music and is very happy that her dreams have come true. Yeng is very thankful that she was given a chance to showcase her talents and hopes too that with the opening of the Academy this May, a dreamer like her will have his or her wishes granted.
Truly, Yeng has come a long way ever since she won as PDA’s Grand Star Dreamer in December 2006 with an album, a couple of endorsements and a TV show now under her belt. Proving that nothing has changed about the lass from Rizal, Yeng asked her Morning Glory band mates to figure in her second album titled Journey. Yeng temporarily left her band when she joined PDA with the other members (Emerson, Paul and Dennis) consent and full support. She really wanted them to be a part of her first album Salamat but due to time constraints during its recording, it just wasn’t possible. With Journey however, Yeng did not waste any time dragging the boys into the recording studio with her. “Sa akin, yung mga kasama mo nung umpisa iyon ang mga totoong kaibigan,” she shares. “Sila po yung kapatid ko sa paggawa ng music. So hindi ko kayang hayaan na mawala lang sila ng ganoon.” Yeng is ecstatic to work with ‘her boys’ again and dreams of a solo album for MorningGlory in the near future.
Twelve-track Journey is jam packed with Yeng’s signature pop-rock sound and includes the hit Sakal, Sakali, Saklolo theme “Habambuhay”. Like in her previous album, Yeng was deeply involved in writing the songs for Journey. She confesses that majority of the songs are based on her personal experiences – from friendship, to falling in love, even getting heart broken. But when pressed to elaborate on the down side of loving, she only laughs and answers, “Basta, I’ve been through heartaches, madami!”
Journey is now available in all record bars and music stores nationwide.
Yeng Constantino, patuloy ang tagumpay sa "Journey"
Alex Datu
Thursday, March 13, 2008
04:35 PM
Ramdam na ramdam mo ngayon si Yeng Constantino lalo na kanyang bagong album na Journey dahil punong-puno ito ng emosyon. Datapwat, nilinaw ni Yeng sa kanyang album lauching kahapon, March 12, sa Cibo, ABS-CBN compound, Mother Ignacia Avenue, Quezon City na wala pa itong nakarelasyon kaya hindi pa ito nakaramdam ng hapdi ng pakikipagrelasyon.
Ang latest album ni Yeng under Star Records ay isa talagang fulfillment ng kanyang pagiging mang-aawit. Isang taon na ang nakalipas nang hirangin siya bilang Grand Star Dreamer ng Pinoy Dream Academy pero halos hindi pa rin magkamayaw ang mga tao sa kanya dahil bawat kantang gawin niya, bawat paglabas at bawat concert o gig na kanyang puntahan ay dinudumog siya ng mga tao.
Ayon sa young singer, sinunod nito ang payo sa kanya ng mga magulang na ibigay nito sa kanyang tagasuporta kung ano ang nararapat sa mga ito. Kaya naman sa album nito ay isinama nito ang kanyang bandang Morning Glory na noon pa niya nakakasama sa kanyang mga gigs. Ayon sa kanya, hindi lang siya nangangarap para sa sarili niya kung hindi para na rin sa mga mga taong mahal niya.
Malaki rin ang pagpapasalamat ni Yeng para sa kanyang mga fans dahil kung wala ang mga suporta nila ay wala rin siya. Sila ang dahilan kaya lalo nitong pinaganda ang kanyang album na Journey.
Maganda at tagos sa puso ang mga kantang kasama sa album na ito tulad ng "Di Na Gan'un," "Promise," "Pili Ka Lang," "Tao Lang Ako," "What about Us," Himig Ng Pag-ibig," "If You Go," "Bakit Nga Ba," "Why Can't You," at "Tala." Kabilang rin dito ang kantang "Habambuhay" na naging theme song ng Metro Manila Film Fest entry na Sakal, Sakali, Saklolo.
Marami ang nagsasabing ilan sa mga kanta sa espesyal na album na ito ay sagot daw sa kanta ng kanyang rumored boyfriend na si RJ Jimenez na "Superstar." Matatandaang nag-hit ang kantang ito dahil si Yeng daw ang dinescribe ni RJ sa kantang ito.
"Actually, lahat ng love songs sa album ko ay para talaga sa kanya tulad ng ‘Promise' na nagsasaad, kung sino man sa amin ang mangangailang sa isa't isa, we will make it a point, na nandid'yan kami sa isa't isa."
Ayaw man aminin ni Yeng na naging sila ni RJ Jimenez, napagkasuduan nila na wala muna silang komunikasyon para maituon nila ang kanilang panahon para sa kanilang pananagumpay sa kanilang propesyon.
Nanghihinayang si Yeng pero bilang isang masunuring anak ay sinunod nito ang gusto ng mga magulang na maging mang-aawit muna ang atupagin nito kaysa pakikipagrelasyon. Sinunod naman ito ng dalaga dahil naniniwala naman ito na makakapaghintay ang dahil naniniwala itong nakakapaghintay naman ang pag-ibig kumpara sa suwerte na minsan lang kumatok sa pinto.
Ayon pa kay Yeng, mayroon siyang awiting matagal na nitong na-compose at isinama niya dito sa Journey, ito ay ang awiting "Tala" na isinulat niya para sa kanyang matagal nang crush pero kahit anong pilit namin ay ‘di namin ito nakumbinsing magtapat.
Available sa leading music record bars at maging sa ibang bansa ang Journey ni Yeng under Star Records.
Yeng Constantino is the "grand dreamer" in the first "Pinoy Dream Academy" (PDA)
"I have so much to be thankful for since then," she says. "I won a condo unit for me and my family at hindi na kami squatter. I had my own album na naka-triple platinum and I had my own solo concert. Tapos, ilang beses akong nakapunta sa States to do shows there. And to think, when I took the audition, muntik na akong maging 'thank you girl' lang. Ni hindi pinatapos ni Direk Lauren Dyogi ang song ko at nag-thank you siya agad sa akin, so sabi ko naman, 'Thank you lang po?' Natawa siya and called me back, tapos, pinapirma na ako. Ayun, nakasali nga ako sa PDA."
And the rest, so they say, is history. She eventually bested 19 other scholars and even won best song awards from the Metro-Manila Filmfest and FAMAS for her composition, "Hawak Kamay," that was used as the theme song of "Kasal, Kasali, Kasalo." Now, she has released her own album, "Journey."
What can she say about observations that she's a tomboy? "I admit namang boyish ako, kasi lagi nga akong nakapantalon at rubber shoes. Pero sa porma lang po 'yun. Sa puso, girl pa rin ako. Sabi nga nila, dapat, mas maging glamorosa na ang projection ko ngayon. Siguro, in due time, pero kailangang ma-ging comfortable muna ako para hindi ako mag-mukhang trying hard."
What advice can she give to the next batch of scholars?
"Just be yourself, but give your best. Maging totoo lang sila and don't pretend na they're someone they're not. Mas mamahalin sila ng viewers."
Wala nang puwedeng hilingin pa ang Pinoy Dream Academy (PDA) Grand Star Dreamer na si Yeng Constantino dahil halos nasa kanya na ang lahat sa maagang estado ng kanyang career.
Bukod sa pagkakaroon ng triple platinum status ng kanyang debut album, sold-out na solo concert, matagumpay na world tours at sandamakmak na awards, nai-release na rin kamakailan ang kanyang so-phomore album na Journey.
“Sobrang saya ko talaga at hindi ko ineexpect lahat ng ito. Nung sumali ako sa PDA, ang gusto ko lang naman ay makatulong sa pamilya ko at maparinig ang musika ko,” paliwanag ni Yeng.
Nagsimulang magtrabaho sa edad na 14 upang magbigay-daan sa pag-aaral ng.mga nakatatandang ka-patid, nagsilbing big break ni Yeng ang mapasali sa top 20 scholars ng PDA.
Hanggang ngayo’y sariwang sariwa pa sa alaala ng rakista mula Montalban, Rizal ang kanyang di mali-limutang audition kung saan siya’y umieksena at mapa-ngahas na umapila sa mismong direktor at head ng show na si Lauren Dyogi.
“Di niya kasi pinatapos yung kanta ko tapos sabi niya na ‘thank you,’ eh ako naman sabi ko ‘thank you lang po? Ganun lang po?’ Natawa siya and ayun pinapirma ako,” masayang ibinahagi ni Yeng.
“Kung ‘di ko ginawa ‘yun siguro ‘di ako natanggap.”
Nanatili si Yeng sa loob ng bahay kasama ang 19 pang scholars kung saan sinubok ang kanilang talento at pagkatao.
Bagamat maraming mahigpit na kalaban tulad ng 1st runner up at ngayo’y nasa-sabak sa acting na si Jay-R Siaboc at 2nd runner up at kasalukuyan ding namamayagpag sa industriya na si Ronnie Liang, si Yeng pa rin ang pinalad na magwagi.
“Natutuwa po ako sa tiwala nila sa akin at sa musika ko. Yung pagkapanalo ko po kasi sa PDA yung talagang nagbago hindi lang ng buhay ko, pati na rin ng pamilya ko kaya po sobrang laki ng utang na loob ko sa kanila,” dagdag pa niya.
Dala ng kanyang natamong tagumpay, si Yeng ang kasalukuyang tumatayong breadwinner at nagpapaaral sa kanyang mga kapatid.
“Di lang naman ako ang may pangarap. Ngayong nakuha ko na ang pangarap ko, gusto ko matupad na rin ‘yung sa mga magulang at mga kapatid ko kaya ginagawa ko po ang lahat para matulungan sila. Sobrang sarap ng feeling po na nakakatulong ka sa mga mahal mo sa buhay”
Bukod dito, utang rin ni Yeng sa PDA ang mga naging pagbabago sa kanyang pagkatao.
Kung dati’y siya ay iresponsable, makalat sa gamit, laging nakasandal sa magu- lang at hirap makisama sa ibang tao, ngayo’y ganap na niyang nabago ang mga ito.
“Natuto po akong tuma-yo sa sarili kong mga paa, natuto akong maging independent, at natuto ako makisama sa tao. Ang laki talaga ng epekto sa’kin kasi hanggang pagtanda ko dala ko na yun.”
Sa darating na Mayo, enrollment na naman para sa season 2 ng Pinoy Dream Academy at tulad ni Yeng, ilang buhay na naman ang magbabago at ilang pangarap na naman ang matutupad.
Kaya naman ang payo ng pinakaunang valedictorian ng academy sa mga future scholars ay i-enjoy lamang ang kanilang pananatili sa loob at maging totoo sa kanilang mga sarili.
“Once in a lifetime experience lang yan kaya itodo niyo na. Ipakita niyo ang kaya niyong gawin, makinig sa mga teachers niyo, maniwala kayo sa musika niyo at siyempre maniwala kayo sa Diyos,”
Ngunit bago magbalik ang PDA, muli munang pa-tutuluyin ni Kuya sa kanyang tahanan ang kabata-ang Pinoy sa pagsisimula ng Pinoy Big Brother Teen Edition Plus sa pangunguna ni-na Toni Gonzaga, Bianca Gonzalez, Mariel Rodriguez at ngayon kasama na si Luis Manzano. Huwag palalampasin ang engrandeng pagbubukas ng bahay ni Kuya sa mga kabataang Pinoy nga-yong March 23 na may primer sa March l6 sa ABS.
You cannot post new topics in this forum You cannot reply to topics in this forum You cannot edit your posts in this forum You cannot delete your posts in this forum You cannot vote in polls in this forum