 |
|
| View previous topic :: View next topic |
| Author |
Message |
smiley
Joined: 04 Jun 2007 Posts: 419
|
Posted: Thu Apr 17, 2008 11:08 pm Post subject: |
|
|
Rating reality TV stars
Nestor Cuartero
REALITY SHOW discovery Yeng Constantino is aware at how some industry people refer to products of such programs as mere flash in the pan.
While the observation may be true in the case of some, it is not necessarily so with Yeng’s. ‘I’m not going to throw away this great break without giving it my best shot,’ she swears.
Yeng won the grand championship in the first ‘Pinoy Dream Academy,’ where her signature song, ‘Hawak Kamay,’ debuted. The song has become an anthem among young people.
With her second album, released recently by Star Records, Yeng hopes to soar higher with new compositions. The line-up is topped off by ‘Habambuhay,’ the theme from the movie festival hit, ‘Sakal, Sakali, Saklolo,’ and originals like ‘Ikaw Lang Talaga,’ ‘Tao Lang Ako,’ and ‘Himig ng Pag-ibig,’ among others.
Yeng can use fully her songwriting skills, an edge over other reality show survivors, to last in show business. Prioritizing her interests is also a must. Yeng seems to know where her talent is strongest, which is why, she sticks to music-making.
Homely and plain as they come, Yeng is gifted, however, with a wellspring of melodies, and poetry to match, that can see her through more years as a talent in the music business.
http://www.tempo.com.ph/news.php?aid=37678 |
|
| Back to top |
|
|
smiley
Joined: 04 Jun 2007 Posts: 419
|
Posted: Tue Jun 03, 2008 11:30 am Post subject: |
|
|
Yeng Constantino continues with her "Journey"
Ernie Enrile
Sunday, June 1, 2008
10:26 AM
Broken-hearted daw ngayon ang Pinoy Dream Academy first Grand Scholar, Yeng Constantino, at pahinga daw muna ngayon ang kanyang puso habang naka-focus siya sa kanyang singing career. As a matter of fact, busy ngayon si Yeng sa pagpo-promote ng kanyang latest album under Star Records titled Journey.
Ayon kay Yeng, out of 12 tracks sa said album, walo ang sarili niyang compositions. "Halos lahat po ay sentimental love songs, at isa lang ang medyo masaya, ang ‘Ikaw Lang Talaga,'" dagdag na impormasyon ng 19-year old na dalaga.
Paano nakapag-compose ng walong kanta ang isang "broken-hearted" na girl kung wala siyang matatawag na "inspirasyon" at the moment?
"Siguro po, dahil feel ko pa hanggang ngayon ‘yung personal experiences ko in the past," nakangiting tugon ng dalaga sa tanong ng ilang piling manunulat sa ginanap na mini-presscon noong Biyernes, May 30, sa Max's Restaurant Tiendesitas.
Ang iba pang awitin sa said Journey album ni Yeng ay ang mga sumusunod; "Di Na Ganun," "Promise," "Pili Na Lang," "Tao Lang Ako," "What About Us," "Himig Ng Pagibig," "Bakit Nga Ba," "If You Go," "Why Can't You," "Tala," at "Habambuhay."
http://www.pep.ph/guide/2030/Yeng...antino-continues-with-her-Journey |
|
| Back to top |
|
|
smiley
Joined: 04 Jun 2007 Posts: 419
|
Posted: Tue Jun 03, 2008 11:36 am Post subject: |
|
|
Monday, June 02, 2008
'Brigada Eskwela' opens
Monday's event will also see the formal launch of "Brigada Eskwela's music video of DepEd endorser, singer and composer Yeng Constantino. The video will be disseminated to all the regions and screened in major cinemas in the Metro Manila. It will serve as a TV commercial in donated ad spaces in key media outfits.
http://www.sunstar.com.ph/static/.../news/.brigada.eskwela.opens.html |
|
| Back to top |
|
|
smiley
Joined: 04 Jun 2007 Posts: 419
|
Posted: Tue Jun 03, 2008 11:39 am Post subject: |
|
|
Yeng tuluy-tuloy ang tagumpay
ISA lang ang masasabi nang mga nauna nang nakarinig sa mga kanta ni Yeng Constantino sa bago niyang album na Journey.
Ramdam mo si Yeng sa kanyang mga awitin.
Ang latest album na ito ay sa pamamahala ng Sar Records. Pagkatapos nga naman ng isang taon, hindi pa rin magkamayaw ang mga tao kay Yeng dahil bawat kantang gawin niya, bawat paglabas at concert o gig na kanyang puntahan ay dinudumog siya ng mga tao.
Kaya super-dedicated talaga siya sa proyektong ito.
“
Sabi nga ng parents ko, ibigay ko sa mga taga-suporta ang nararapat for them, kaya sa album na ito, binubuhusan ko ng extra care at todo-alaga sa paggawa ng kanta, sa pagpapaareglo, dahil they deserve the best.
“Malaki ang pasasalamat ko sa fans dahil wala naman ito kung wala sila. ‘Yun pa lang, dahilan na talaga para pagandahin ang project na ‘to. Journey ko ito kasama ng mga tagasuporta,” paglalahad ni Yeng.
Maganda at tagos sa puso ang mga kantang kasama sa album na ito tulad ng ‘Di Na Ganun, Promise, Pili Ka Lang, Tao Lang Ako, What About us, Himig ng Pag-ibig, If you God, Bakit Nga Ba, Why Can’t You, Tala at ang paborito ng bayan na Sakal, Sakali, Saklolo theme song na Habambuhay.
Bukod sa theme song na ng box office hit na Sakal, Sakali, Saklolo, ang kanta ni Yeng na Habambuhay, ito rin ang magdaragdag ng kilig sa bagong Koreanovela na They Kissed Again, continuation ng love story na It Started With A Kiss.
Isa pang masterpiece song niya ay ang Himig ng Pag-ibig, ito ngayon ang magbibigay-buhay at tinig sa malapit nang ipalabas na teleseryeng Diyosa.
Habang kayo ay nag-i-enjoy sa mga bagong teleserye ng ABS-CBN, siguradong mamamangha na naman ang tagasuporta ni Yeng sa ikalawang single niya, ang ‘Di Na Ganun. All these and more from Yeng’s Journey album.
Marami ring nagsasabing ilan sa mga kanta sa espesyal na album na ito ni Yeng ay sagot daw sa kanta ng kanyang rumored boyfriend na si RJ Jimenez na Superstar.
Matatandaang nag-ingay ang hit song na ito dahil daw si Yeng ang dine-describe ni RJ sa kanyang kanta.
“Ha-ha-ha! Hay naku, bahala na po silang mag-interpret, basta ang gusto ko lang, eh, maganda ang songs na nasa album ko at maraming makaka-relate. O, ‘di ba, marami ring naka-relate sa Superstar? Ganu’n din po sa mga kanta ko!” sagot ni Yeng.
Available na ang Journey sa lahat ng music stores worldwide. |
|
| Back to top |
|
|
jansheri site admin
Joined: 18 Jan 2007 Posts: 217
|
Posted: Tue Jul 01, 2008 4:28 am Post subject: |
|
|
TFC brings Yeng Constantino to Dubai
Hindi makapaniwala si Yeng Constantino sa kanyang naging experience noong June 20 sa 1st Filipino Expo sa World Trade Center Dubai. Dinala doon ng TFC Global Limited ng ABS-CBN si Yeng kasama si Christian Bautista para mag-show. Nag-perform si Christian noong June 19.
Ilang kabataan (karamihan ay halos mga sampung taong gulang pa lamang) ang nagpumilit na makalapit sa pop icon at hindi mapigilang umiyak nang sila ay isa-isang yakapin ni Yeng. At mas marami pang naghahagulgulang mga kabataan ang pumila sa labas ng kanyang dressing room pagkatapos ng show. Walang magawa ang security sa venue kahit na minamadali na si Yeng at kailangan na niyang tumakbo papuntang airport para lumipad pabalik ng Manila.
Ito ang kauna-unahang pagpunta ni Yeng sa Dubai at hindi inaasahan ng lahat na maraming kababayan natin ang gusto siyang makita ng personal. Patunay dito ang halos sampung libong mga Pinoy na naghintay sa kanya as early as 2 pm para sa kanyang 8 pm show. Hindi rin naman nag-aksaya ng panahon ang Pinoy Dream Academy Grand Star Dreamer na mamasyal around Dubai at kasama si Christian Bautista, hindi sila magkamayaw sa pagsa-shopping at pagkuha ng souvenir pictures.
Bilang first-timer sa Dubai, maraming inikot si Yeng tulad ng 7-star hotel na Burj Al Arab, ang sikat na Jumeirah Open Beach na may white sand, ang kilalang water park na Wild Waddi, at ang Mall of the Emirates. Shopping galore ang ginawa ng batang idolo na namili ng mga damit at techy gadgets na kilalang mas nakakamurang bilin sa Dubai. Kulang ang oras para kay Yeng na kung nabigyan ng mas mahabang panahon ay tiyak na mas marami pang lugar na nais makita.
Libu-libong mga kababaihan naman ang pinakilig ng mga ballads na inawit ni Christian. Sabi nga ni Christian, "Kahit third time ko na dito sa Dubai, ang reception ng mga kababayan natin dito ay hindi nagbabago; kasing init pa rin ng weather dito ngayon."
Kinilig ang mga kababaihang fans ni Christian na kahit na galing sa mahabang araw sa trabaho ay sinadya pa ring makapanood sa kanyang show. Muli niyang pinatunayan na hindi lang siya isang gwapong singer kundi isa ring magaling na balladeer. Nang paakyatin sa stage ang isang fan at tanungin ang pangalan nito, "Rachelle Ann Go" ang binanggit ng fan na siya namang naging hudyat ng malakas na hiyawan mula sa mga manununuod.
Ang huli niyang awitin na siya ring pinanalo niya sa isang singing contest ilang taon na ang nakakaraan ay inialay niya sa kanyang mga fans na kasalukyang nasa Gitnang Silangan.
Isang all-acoustic show naman ang ibinigay ng Soul Siren na si Nina sa huling gabi ng 1st Fil Expo noong June 21. Katulad ng unang dalawang araw, naging matagumpay rin ang show ni Nina at walang patid ang pagsabay ng mga mga kababayan natin sa pagkanta ng mga piling awitin ni Nina.
Ang 1st Filipino Expo in Dubai, Tiangge, Bazaar, Atbp. ay organized ng The Filipino Channel ng ABS-CBN Middle East sa pangunguna ng managing director na si Egay Garcia, marketing head na si Jay Diaz at Product and events manager Maribel Hernaez.
http://www.pep.ph/guide/2170/TFC-brings-Yeng-Constantino-to-Dubai |
|
| Back to top |
|
|
|
|
|
You cannot post new topics in this forum You cannot reply to topics in this forum You cannot edit your posts in this forum You cannot delete your posts in this forum You cannot vote in polls in this forum
|
| |